Si Nanay Nolita Ramos ay 65 years old, asawa ng yumaong Tatay Juanito, at may apat na anak na nasa tamang edad na.
Dati nang nangangalakal ng isda si Nanay Nolita nguni't nang magkaroon ng lockdown, itinayo niya sa tulong ng kanyang mga apo ang online store na "Ollie"s Market For You". Tumatanggap sila ng mga online orders at mayroon silang delivery service. Layunin ng online store ni Nanay Nolita na tulungan ang mga matatanda, mga may kapansanan at mga single mother na nahirapang lumabas ng bahay noong napakahigpit ng quarantine. Kahit ngayong lumuwag na ang mga patakaran sa paglabas ng bahay, tinutuloy pa rin ng online store ni Nanay Nolita ang pag-serbisyo sa mga customer na nawili na sa pag-order sa kanya. Tinitiyak ni Nanay Nolita na ang kanyang mga produkto ay sariwa at tama ang timbang. Malinis at ligtas ang mga produkto niya dahil regular ang kanilang pag-disinfect sa kanilang lugar.
Natutuwa si Nanay Nolita na nakakatulong siya sa maraming mamamayan na hindi makalabas dahil sa pag-iingat sa panahon ng Covid19. Mahalaga sa mga tao ang sariwa at malusog na pagkain upang palakasin ang immune system at labanan ang virus.
Product | Price | |
Pampano (White) | Php450 - Php600 per kilo | ![]() |
Lapu-Lapu | Php650 - Php800 per kilo | ![]() |
Tuna | Php500 - Php600 per kilo | ![]() |
Pusit | Php400 - Php600 per kilo | ![]() |
Hipon | Php550 - Php700 per kilo | ![]() |
Labahita | Php400 - Php500 per kilo | ![]() |
Salmon | Php600 - Php800 per kilo | ![]() |
Mackarel | Php250 - Php500 per kilo | ![]() |
Contact Details:
(0917) 130-0175
(0946) 423-0003
Email: olliesmarketforyou20@gmail.com or joegat2009@gmail.com
Facebook: Ollie's Market For You
Address:
Bayacal Street, Barrio Ermitanyo, Barangay Silang Cavite
Link: https://www.iskaparate.com/nolita-ramos