Si Nanay Marivic Balane ay 56 years old, ipinanganak sa Jose Panganiban, Camarines Norte, at asawa ni Tatay Avelino. May anim silang anak na pawang nasa sapat na edad na.
Mahigit dalawampung taon na ang negosyo ng mag-asawang Marivic at Avelino na ngayon ay tinatawag na Marivic's Delicacies. Minana nila ang galing sa paggawa ng angko (isang uri ng pagkain na may pagkakahambing sa Japanese mochi) sa kanilang mga ninuno. Ilang henerasyon na ng pamilya Balane ang nakilala sa paggawa ng angko sa Vinzons, Camarines Norte. Itinuloy ni Nanayt Marivic ang tradisyon na ito at noong 2012 ay nanalo siya bilang Vinzons Master Chef (Angko Category). Nasundan ito ng pagkapanalo niya ng pangalawang puwesto sa Biggest Angko Competition noong 2015. Hanggang ngayon ay kinikilala ang lalawigan ng Camarines Norte sa tradisyonal nitong proseso ng paggawa ng angko na gumagamit ng gilingang bato at pinaiikot ng makina.
Katulong ni Nanay Marivic ang kanyang buong pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo at sa pagharap sa mga hamon tulad ng kakulangan ng makinarya. Pangarap niya na makapagpundar ng makabagong kagamitan sa produksyon upang sabayan ang mga pagbabago sa uso at panlasa ng mga mamimili.
Product Photo | ||
---|---|---|
Angko (Small) |
Php 15 |
![]() |
Angko (Big) |
Php 25 |
![]() |
(50pcs) |
|
![]() |
Angko Bilao (100pcs) |
Php330 (small) Php530 (big) |
![]() |
|
![]() |
|
|
|
![]() |
|
|
![]() |
|
|
![]() |
Pili Roll Whole Pili Roll Half |
Php300 Php150 min. of 2 rolls |
![]() |
Contact Number:
(0907) 218-9301
Email: melbalane@gmail.com
Facebook: Marivic Delicacies
Address:
Barangay III, Vinzons, Camarines Norte
Link: https://www.iskaparate.com/marivic-ramores-balane