Si Nanay Cecilia Latif ay 56 years old, naghahanapbuhay sa Imus, Cavite, at may dalawang anak na parehong nagtratrabaho na. Ang kanyang bunsong anak ay katuwang niya sa negosyo. Gumagawa si Nanay Cecilia ng iba't ibang uri ng Japanese delicacies.
Nagsimula siyang magnegosyo noong October 2019. Mayroon siyang maliit na restaurant na unti unti nang nakikilala dahil na rin sa paglahok niya sa mga Food Bazaar sa unibersidad, Motocross, at mga pagtitipon sa memorial park sa panahon ng undas. Nang dumating ang pandemya, nahinto ang kaniyang restaurant dahil hindi makalabas ng tahanan ang mga tao. Noon niya naisip na gawing frozen ang iba niyang produkto upang makarating at matikman ng mas maraming tao. Sa ganitong paraan nabuo ang Ukemochi. Layunin nito na maghandog ng mga kakaibang putahe ng Japanese food sa murang halaga. Nagtinda siya ng takoyaki at unti-unting nagdagdag ng iba pang putahe katulad ng yakisoba at ramen. Maselan ang preparasyon na kailangan sa Japanese food kaya naman nakatutok si Nanay Cecilia sa kanyang negosyo upang masigurong authentic ingredients lamang ang ginagamit mula sa harina, sarsa at toppings. Hindi biro ang maghanap ng tamang raw material lalo na sa octopus na nanggagaling pa sa mga karatig na lugar katulad ng Masbate at Bicol.
Hindi natitinag sii Nanay Cecilia sa kabila ng pandemya at tiwala siyang malalampasan niya ang Covid19 crisis.
Product | Price | |
Takoyaki (Octopus) | Php230 | ![]() |
Butayaki Ham per Dozen | Php230 | ![]() |
Toriyaki Chicken Sausage | Php230 | ![]() |
Cheese and Corn | Php230 | ![]() |
Gyoza | Php240 | ![]() |
Kani (Crab) Ball | Php360 | ![]() |
Lobster Ball | Php370 | ![]() |
Contact details:
(0977) 652-7858
Email: ukemochi.ichiban@gmail.com
Facebook: Hello Ukemochi
Address:
Lot 2 Blk 57 Phase 4, Golden City Subdivision, Anabu 2F,
Imus, Cavite
Link: https://www.iskaparate.com/maria-cecilia-latif-japanese-delicacies