Si Nanay Magalimba ay 62 years old, naninirahan sa Tangcal, Lanao del Norte at asawa ng yumaong Tatay Macacuna. May tatlong anak si Nanay Magalimba. Ang panganay niya ay may trabaho sa ibang bansa, ang panggitna ay naglilingkod sa local government, at ang pangatlo ay katatapos pa lang ng kolehiyo. Ang negosyo ni Nanay Magalimba ay native broiler at layer poultry.
Itinatag ni Nanay Magalimba ang kanyang poultry noong November 2018. Ito ang naisip niyang hanapbuhay dahil alam niyang mahilig ang mga kapwa niya Muslim sa manok at naghahanap sila ng halal. Tinitiyak ni Nanay Magalimba na halal ang kanyang mga produkto dahil puro organic feeds ang pinapakain niya sa mga manok. Tuwing Ramadhan, Eid'l Fitir at Eid'l Adha ay mabili ang mga produkto niya. Pati ang alkalde ng kanilang bayan ay bumibili sa kanya. Nagpapasalamat si Nanay Magalimba kay Allah at sa Angat Buhay dahil malaki ang naitulong ng kanyang negosyo sa pagtustos ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya at ng tuition fee ng kanyang mga anak.
Naapektuhan ang negosyo ni Nanay Magalimba sa panahon ng Covid19. Mahirap bumili ng medisina at pagkain para sa mga manok dahil sarado ang mga supplier at madaling maubos ang mga paninda nila.
Product | Price | |
Native na Itlog | Php 12 per piece | ![]() |
Native na Manok | Php 220 per kilo | ![]() |
Contact Details:
(0910) 616-0890, (0906) 832-9711
Email: panggomagalimba@yahoo.com, panggohoney29@gmail.com
Address:
Purok 5, Poblacion, Tangcal, Lanao Del Norte
Link: https://www.iskaparate.com/magalimba-panggo