Luzviminda Villaraza

Si Nanay Luzviminda ay 56 years old, at naninirahan sa Pasig City. Sila ni tatay Eduardo, ang kanyang asawa, ay nabiyayaan ng apat na anak na pawang mga natapos na sa kolehiyo. Isa sa kanyang mga anak ang nagpapatakbo na ng kanyang naitayong negosyo habang siya ay aktibong tumutulong sa kanilang pamayanan para magka hanapbuhay din ang kanilang mga kababayan. Nagsimula sa scrap buying and selling si Nanay Luzviminda noong 2004. Dito niya nakilala ang isang kaibigan na nagturo sa kanya sa pagbili at pagbenta ng mga parts ng electric fan, washing machine, refrigerator at aircon. Masusi nyang pinag-aralan ang kalakaran sa pagnenegosyo ng mga parts na ito. Nagsumikap siyang matuto para na rin sa maayos na kita upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Sa kalaunan ay nagsarili na si Nanay Luzviminda at nakapagpatayo ng tindahan noong 2010 sa Antipolo City. Naging maayos naman ang takbo ng negosyo niya at napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang apat na anak. Naging matamlay ang negosyo ni Nanay Luzviminda sa panahon ng Covid19. Nabawasan ang mamimili at hindi na rin sila makabyahe. Umaasa pa rin siya na babalik ang dating sigla ng ekonomiya at matiyaga niyang ipinagpapatuloy ang kanyang hanapbuhay. Malaking gaan sa kanya ang pagtulong ng isa niyang anak sa pagpapaunlad ng negosyo. Ginagabayan na lamang niya ito upang makapag-ukol din siya ng panahon sa pagtulong sa kaniyang komunidad. ​

 

Product  Price
Electric Fan Blade Php150.00
Gear Case Washing Php250.00
Washing Machine Timer Php250.00

  

Contact:

(0921) 666-9362

Email: instamdsg@gmail.com

Address:

112 C Sumulong Highway, Mayamot, Antipolo City, Rizal

 Link: https://www.iskaparate.com/luzviminda-villaraza

Share this article

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid