Si Nanay Laila ay 56 years old, naninirahan sa Lamitan City, Basilan Province, at asawa ni Tatay Maarie. May tatlo silang anak na nag-aaral pa.
Itinatag ni Nanay Laila ang kanyang negosyo noong 2016 nguni't minana pa niya sa kanyang mga ninuno ang kagalingan at kasanayan sa paghahabi. Kilala ang mga Yakan ng Basilan City na pinakamagaling sa paghahabi sa buong bansa. Napakapino ng kanilang produkto kaya't inaabot ng isang linggo para mabuo ang isang metro ng tela. Ang produkto ng mga Yakan ay hinahangaan sa lahat ng bahagi ng bansa dahil sa galing ng disenyo at pagkakagawa. Para kay Nanay Laila, hindi lang hanapbuhay ang paghahabi kundi isang responsibilidad ng bawa't henerasyon ng mga Yakan upang mapanitili ang kanilang kultura at mga tradisyon. Bahagi si Nanay Laila ng Buahan Yakan Weavers' Association.
Lubhang napakahirap para kay Nanay Laila at kanyang mga kasamang weaver na kumuha ng customer sa panahon ng Covid19 kaya't umaasa sila na sa papamagitan ng online marketing ay maitataugyod pa rin nila ang hanapbuhay na binuhusan sipag at tiyag ng ilang henerasyon ng mga Yakan.
Product | Price | |
Clutch Wallet | Php180 | ![]() |
Face Mask | Php420 | ![]() |
Double Zipper Wallet | Php120 | ![]() |
Coins Wallet | Php60 | ![]() |
Table Runner (Sinaulan) | Php480 | ![]() |
Table Runner (Bunga Sama) | Php540 | ![]() |
Sinaulan Design Cloth | Php480 | ![]() |
Bunga Sama Design Cloth | Php540 | ![]() |
Contact Details:
0945-425-4689
Email:
Messenger: iskaparate.com
Link: https://www.iskaparate.com/laila-tadja