Si Nanay Judith Denton ay 40 years old, naghahanpbuhay sa Bacoor, Cavite, at asawa ni Tatay Mark Andrew. Seafarer silang mag-asawa at may tatlo silang anak na babae. Dalawa ay nag-aaral pa habang ang bunso ay dalawang taong gulang pa lamang.
Ang pagluluto ng barbecue ay negosyo na ipinamana kay Nanay Judith ng kanyang ina. Siya at ang kanyang mga kapatid ay pinagtapos sa pag-aaral sa pamamagitan ng negosyong ito. Hindi akalain ni Nanay Judith na darating ang araw na aasa din siya sa hanapbuhay na ito para itaguyod ang sariling niyang pamilya.
Sa panahon ng pandemya, napakahalaga ng kasanayan sa pagluluto ng barbecue na kinalakihan ni Nanay Judith. Nawalan sila ng trabaho ni Tatay Andrew at nahirapan silang tugunan ang mga bayarin kaya't itinayo nila ang Mama Nengs Ihaw Ihaw noong May 2020. Sinisikap nilang palaguin ito, hindi lang para malampasan ang Covid19 krisis, kundi para magkaroon ng hanapbuhay na pangmatagalan. Nguni't malaking hadlang ang mga limitasyon sa paglabas ng mga tao dahil para maka-engganyo ng mga customer, kailangang makita at malanghap nila ang produkto. Nakakatulong ang Facebook page ng Mama Nengs Ihaw Ihaw at umaasa ang mag-asawang Judith at Andrew na makakadagdag ng malaki ang paglahok sa iba pang online platform. Mabigat na kalaban ang pandemya nguni't hindi sumusuko ang mag-asawa alang alang sa kanilang tatlong anak.
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
Contact Details:
(0928) 486-8844
(0908) 385-6341
Email: judithbalanoyos@yahoo.com
mamanengsihawihaw@gmail.com
Facebook: Mama Nengs Ihaw Ihaw
Address:
Lot 9, Block 13, Phase 2, T. Roosevelt Street Princeton Heights, Bacoor, Cavite
Link: https://www.iskaparate.com/judith-denton