Si Nanay Gemma ay 55 anyos na ginang mula sa Lucap, Alaminos City, Pangasinan kung saan matatagpuan ang tanyag na Hundred Islands. Ang kanyang asawa na si Tatay Ramon ay nagtatrabaho bilang isang kusinero. Apat ang kanilang anak. Ang dalawa ay nakatapos na bilang Respiratory Therapist at kapwa may trabaho na. Ang pangatlo ay third year college habang ang pang apat ay Grade 11. Mayroon na rin silang isang apo.
Naisipan niyang magtinda ng mga souvenirs sapagkat isa sa magagandang tourist spots dito sa Pilipinas ang Hundred Islands at puntahan ng maraming turista. Nag umpisa siyang mag tinda ng naka bilao lamang. Kalaunan ay nakabili na siya ng tri-bike na gamit niya sa pagtitinda. At sa kabutihang palad pinayagan siya ng isang resort/hotel na magtinda ng naka lamesa at payong sa gilid ng gate nila. Kalaunan ay nabigyan na rin siya ng puwesto sa loob ng resort/hotel. Sa umpisa ay nahirapan si Nanay Gemma dahil nagloloan lang siya sa mga private lenders ng pampuhunan sa mataas na interest. At sa benta din niya kinukuha ang pang araw araw na gastusin pati na ang allowance at tuition fee ng kanyang mga anak.
Sa pagpapala ng Diyos ay nakapag loan siya sa Small Business Corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry at nakabili siya ng tatlong pampasaherong bangka na siyang nakatulong sa kanya upang mapagtapos niya ng kolehiyo ang dalawa sa kaniyang mga anak. Ngayon ay kaagapay na ni Nanay Gemma sa kanyang negosyo ang kanyang mga anak. Sila na ang nagpiprint ng kanilang mga panindang T-shirts.
Nang dumating ang Covid-19 pandemya ay lubhang naapektuhan ang negosyo nila Nanay Gemma. Matindi ang tama sa tourism industry dahil sa nagsara ang mga hotels at resorts pansamantala. Wala ring turistang namamasyal kung kaya’t nawalan ng kita ang kanilang negosyo. Ngunit patuloy pa rin hinaharap ni Nanay Gemma ang pagsubok sa kanilang buhay. Nangangarap pa rin siya na magkaroon ng branches sa iba’t ibang hotels at resorts para sa kanilang paninda at gusto niyang tulungan ang kanyang mga kababayan na magkahanapbuhay.
Wedding Token, Baptism Token, Birthday Token Php140.00
|
|
Chandelier made of Capiz shells Php1,150.00
Tiny Chandelier Php960.00 |
|
Refrigerator Magnet Php70.00 |
Contact Number: (0961) 754-5409 / (0905) 247-7546