Elizabeth Rasonable

 Si Nanay Elizabeth ay 46 years old, isang Aklanon, at asawa ni Tatay Jury. Lima ang kanillang anak. Dalawa ang may sariling hanapbuhay na at tatlo ang nag-aaral pa.

Nag-umpisa ang negosyo ni Nanay Elizabeth noong 1996. Si Tatay Jury ay isang planter at stripper ng piña. Naghanap si Nanay Elizabeth ng knotter (taga panug-ot) at warper (taga sab-ong), habang ang mga anak naman niya ang gumawa ng winding (taga talingyas) at silang mag-asawa ang taga habi (taga-habue). Naghikayat din siya ng mga kababaihang walang trabaho at hirap sa buhay upang dumami ang maghahabi. Umabot ng 100 ang kanyang weavers at lumaki na ang kanyang produksyon. Patuloy ang kanilang paggawa upang mapanatili nila ang ipinagmamalaking produkto ng Aklan na siyang pinagmulan ng piña fiber. Gawa sa pinong dahon ng piña ang mga produkto ni Nanay Elizabeth, magarang isuot at angkop sa mga pagtitipon. Natutuwa siya na bukod sa nakakatulong sa maraming pamilya ang kanyang negosyo, naitataguyod pa niya ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng likas na materyal.

Malaki ang naging kabawasan sa hanapbuhay ni Nanay Elizabeth sa panahon ng Covid19 dahil nabawasan ang mga bumibili at lubhang mahirap maghanap ng materyales. Sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko si Nanay Elizabeth dahil alam niyang maraming pamilya ang umaasa sa kanyang negosyo.

Product Price
Scarf Php1,500.00
Abaca Fabric
Php300 - Php380
Dresses Php4,000.00
Barong Tagalog
Php3,500 - Php4,000

 

Contact Details:

(0999) 166-9919

Email: elizabethrasonable004@gmail.com

Facebook: Elizabeth Rasonable PIÑA Weaving

Address: 

Polocate, Banga, Aklan

Link:

https://www.iskaparate.com/elizabeth-rasonable

Share this article

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid